P32-M halaga ng puslit na bigas, nasabat
MANILA, Philippines – Nasabat ng Bureau of Customs-Customs Intelligence and Investigation Service (BOC-CIIS) ang tinatayang P32 milyon halaga ng mga smuggled na matataas na uri ng bigas mula sa Bangkok,Thailand.
Ayon kay BOC Commissioner Napoleon Morales, nasabat ng mga operatiba ng CIIS sa Manila International Container Port (MICP) ang may 20 container van ng high grade rice sakay ng dalawang shipment na Maersk Buffalo at Kaye International Trading Corp.
Nabatid na wala ring review of import documents at deklarasyon na Bill of Lading mula sa Department of Agriculture at National Food Authority na isang mahalagnag dokumento upang makapag import ng bigas.
Idinagdag naman ni Morales na upang hindi masayang ang nasabing mga bigas ay kanila na lamang itong i-o-auction na dagdag na kita pa ng gobyerno.
Nilinaw naman ni DAR Sec. Arthur Yap na ang mga accredited rice traders lamang ng NFA ang siyang maaring sumali sa auction. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending