^

Metro

Buntis na 'tulak' ng rugby, timbog

-

MANILA, Philippines – Isang 6-na buwang buntis ang inaresto ng pu­lisya makaraang ma­ak­ tuhang nagbebenta ng rugby sa mga adik na pa­ruk­yano at batang lan­sa­ngan, sa Binondo, May­nila, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspect na si Nonilyn Lacsina, 19, ng C.M. Recto Ave., Binondo, Manila.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi nang arestuhin ang suspek sa kanto ng CM Recto Ave., at Elcano St., Binondo. Nabatid na nakatanggap ng ‘tip’ ang pulisya tung­kol sa garapalan o lanta­rang pagbebenta ng rugby ng suspect sa mga kabataan sa lugar na tinaguriang solvent boys.

Ayon sa suspek, may tatlong buwan pa lamang niyang ginawang hanap­bu­hay ang iligal  na pag­be­benta ng rugby. Na­batid na namu­mu­hunan lamang ng P150 sa ba­wat litro ng rugby at inililipat sa ma­liliit na botelya para sa retail na P15 ang isa.

May ‘promo offer’ pa umano ang suspek na buntis dahil sa kada dala­wang botelyang bibilhin ay P20-lamang ang benta niya sa parukyano.

Hindi bababa sa 20 botelya ang benta sa kada araw ng suspek. (Ludy Bermudo)


vuukle comment

AYON

BINONDO

ELCANO ST.

ISANG

LUDY BERMUDO

NABATID

NAKILALA

NONILYN LACSINA

RECTO AVE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with