^

Metro

Police escort lilimitahan ng DILG

-

MANILA, Philippines – Lilimitahan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang armed escorts sa mga opisyal ng gobyerno at pribadong indibiduwal.

Sa direktiba ni DILG Secretary Ronaldo Puno   kay Philippine Na­tional Police chief, Director General Jesus Ver­zosa, bibigyan lamang ng police escort ang isang opisyal ng gobyerno o pribadong indibiduwal kapag nagpakita ng katu­nayan na may banta ang kanyang buhay.

Binawalan na din niya anya ang pagtatalaga ng mga pulis mula sa PNP’s Special Action Force bilang security escorts dahil ito ay trabaho ng Police Security and Protection Office.

Kasama sa maaapek­tuhan ng kautusang ito , ayon kay Puno ay ang mga local chief executives na may mahigit sa dalawang pulis na naka- assigned dito.

Ang mga opisyal ng gobyerno o electoral candidates na nais ma-exempted dito ay kaila­ngang kumuha ng approval mula sa Commission on Elections (Comelec). (Angie dela Cruz)


ANGIE

BINAWALAN

COMELEC

CRUZ

DIRECTOR GENERAL JESUS VER

PHILIPPINE NA

POLICE SECURITY AND PROTECTION OFFICE

SECRETARY RONALDO PUNO

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with