^

Metro

Nakinood ng TV, dedo sa saksak

-

MANILA, Philippines – Dalawang saksak sa dibdib ang tinamo ng isang 40-anyos na lalaki na ikinasawi nito  nang maka-dwelo ang kapitbahay na pinanooran ng telebisyon sa hin­di pa batid na dahilan, kama­kalawa ng gabi, sa Tondo Maynila.

Ang biktimang si Jorge Oli­veros, ng F. Varona St., Tondo ay idineklarang dead on arrival sa Mary Johnston Hospital ma­tapos isugod ng kanyang may­bahay. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Bernabe Galito, 52, alyas “Po­poy” fish vendor at kapit­bahay ng biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:50 ng gabi nang maga­nap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima. Nabatid na nakipanood ng TV ang biktima sa bahay ng sus­pek at nang matapos ang pro­gramang  pinanonood ay lumabas na ito ng bahay ng suspect.

Sa hindi umano batid na dahilan, nakita na lamang na su­munod sa biktima ang sus­pek hanggang sa makitang nag­tatalo ang dalawa na nauwi pa sa pagsusuntukan hang­gang sa saksakin ng suspect ng dala­wang ulit sa dibdib ang biktima.

Matapos ito ay mabilis na tumakas si Galito habang agad namang isinugod ng kanyang misis sa pagamutan ang bik­ tima pero hindi na rin umabot pang buhay.

Hindi naman malinaw kung ano ang motibo o dahilan sa pagpaslang. (Ludy Ber­mudo)


vuukle comment

BERNABE GALITO

DALAWANG

GALITO

JORGE OLI

LUDY BER

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MATAPOS

SHY

TONDO MAYNILA

VARONA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with