AWOL na parak, tiklo sa illegal firearms

MANILA, Philippines - Isang pulis na may limang taon nang Awol (Absent without leave) na hinihinalang may kinala­man sa operasyon ng iligal na droga ang inaresto ng mga tauhan ng Pasig po­lice matapos na mahulihan ng iligal na baril makara­ang pumasok sa notoryus na Mapayapa Compound sa Pasig City kamakalawa ng hapon.

Isinasailalim ngayon sa masusing imbestigasyon upang mabatid ang ka­ ugna­yan nito sa ope­ras­yon ng iligal na droga sa shabu tiangge na nakila­lang si ex-PO1 Ruel Ason­za, 33, dating nakatalaga sa Pasig City police. Naha­harap ito ngayon sa ka­song illegal possession of fire­arms.

Sa ulat ng Pasig City po­­lice, nadakip si Asonza dakong alas-4:15 ng hapon sa tapat ng gate ng Mapa­yapa Compound sa Brgy. Sto. Tomas, Pasig. Na­batid na unang nama­taan ng mga nakatalagang pulis na nagbabantay sa compound si Asonza na dumating sakay ng isang motorsiklo at napansin na may naka­bukol sa tagiliran nito saka dumiretsong pu­ma­sok ng naturang compound.

Makalipas ang ilang oras, sinita ng mga pulis ang suspek nang lumabas ng compound. Nakuha sa kanyang posesyon ang da­lawang baril, isang ka­libre .45 na may pitong bala at isang 9mm. Beretta na kan­yang service firearm noong nasa PNP pa ito. Wala naman itong maipa­ki­tang papeles sa naturang mga baril sanhi ng kan­yang pagkakaaresto.

Ayon sa mga imbesti­gador, nabatid na nag-AWOL sa serbisyo si Ason­za noong 2002 ngunit na­gawang makabalik sa ser­bisyo. Muli naman itong na­­wala sa pagpupulis hang­gang sa maaresto ito ka­ma­kalawa. Matatandaan na noong 2006, unang si­na­lakay ng PDEA at PNP ang Ma­payapa Compound kung saan nadiskubre ang mala-tianggeng bentahan ng iligal na droga. Dito ina­resto si Amin Imam Bora­tong na itinuturong master­mind sa naturang operas­yon. (Danilo Garcia)

Show comments