^

Metro

P33 itinaas sa kada tangke, presyo ng LPG umariba

- Rose Tamayo-Tesoro -

MANILA, Philippines - Muli na namang tu­maas ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) simula kaninang hatinggabi.

Ayon kay Liquefied Petroleum Gas Mar­keters Association (LPGMA) President Arnel Ty, P3 kada-kilo o P33 sa kada-11 kilogram tangke ang itinaas sa presyo ng naturang produkto.

Katwiran ni Ty, ikinasa nila ang nasabing pag­taas sa presyo ng LPG bunsod na rin ng pagtaas ng contract price nito sa pandaigdigang pami­lihan. Nabatid na $90 kada-barrel ng LPG ang itinaas sa contract price nito sa world market.

Sinabi pa ni Ty na P5 kada-kilo sa lokal na pa­milihan ang katumbas ng naturang pagtaas sa presyo ng LPG sa world market. Binanggit pa ni Ty na aasahan pa sa mga su­sunod na araw ang pagtaas pa ng presyo ng LPG bagama’t sa kabila ng hindi nila binigla o gi­nawang isang bagsakan ang pagpataw ng price increase sa naturang produkto.

AYON

BINANGGIT

KATWIRAN

LIQUEFIED PETROLEUM GAS MAR

MULI

NABATID

PRESIDENT ARNEL TY

SHY

SINABI

TY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with