^

Metro

2 salvage victim natagpuan sa QC

-

MANILA, Philippines – Muli na namang umatake ang hinihinalang grupo ng mga vigilante matapos na dalawang bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang na­tagpuan sa Balintawak, Que­zon City kahapon ng ma­daling-araw.

Ang mga biktima na hini­hinalang pinagmalupitan muna bago tuluyang patayin dahil sa mga bakas ng mga sugat sa kanilang mga leeg sanhi ng pananakal ay isina­larawan lamang sa pagitan ng edad 30-35, isa ay kalbo at ang isa naman ay kulot ang buhok, pawang nakasuot lamang ng kulduroy at stripe na short pants, at may mga tattoo sa kanilang mga katawan.

Kapwa binalutan ng pack­aging tape ang mga mukha at kamay ng mga biktima at basta na lamang itinapon sa lugar matapos na patayin.

Ayon kay PO2 Rey Boral, ng Talipapa Police Station 3, alas-3 ng madaling-araw nang matagpuan ng mga residente sa Brgy. Unang Sigaw ang mga biktima habang nakahandusay ang mga ito sa may NBR service road na matatagpuan sa Velaris compound dito.

Sinasabing unang inakala ng mga residente na ordinar­yong insidente lang ng mga lasing na nakatulog lamang sa lugar ang mga biktima, ngunit nang simulang siya­satin nila ito ay saka napa­tunayang patay na ang mga ito dahilan upang agad na ipag­bigay-alam nila ito sa himpilan ng barangay dito, bago tuluyang ipaabot sa tanggapan ng Station 3 ng QCPD.

Dahil walang nakakakilala sa mga biktima, naniniwala ang mga awtoridad na sa ibang lugar pinaslang ang mga ito na madalas nang gina­gawa ng grupo at itina­pon lamang sa service road para iligaw ang mga imbes­tigasyon ng mga awtoridad.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng awto­ridad sa nasabing insidente upang matukoy ang pagka­kakilanlan ng mga biktima at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga ito. (Ricky Tulipat)


AYON

BALINTAWAK

BIKTIMA

BRGY

REY BORAL

RICKY TULIPAT

SHY

TALIPAPA POLICE STATION

UNANG SIGAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with