^

Metro

Snatcher na riding-in-tandem, sumalakay

-

MANILA, Philippines - Muling umatake ang tinaguriang riding-in- tandem na snatcher matapos na magkasunod na mambiktima sa magkahiwalay na lugar dito sa Quezon City.

Base sa ulat ng Station 10 ng QCPD, unang nabiktima ang isang Viary Grace Buhain, 26, ng A. Chico St., Project 2 habang naglalakad ito sa may Judge Jimenez corner Kamuning Road ganap na ala-1:30 ng hapon.

Nahablot ng mga suspek na sakay ng motor­siklong walang plaka ang bag ni Buhain na naglalaman ng dalawang cellphone ang K800i at Sony Erickson 7210, isang ipod, at mga identi­fication cards.

Matapos nito, pasado alas-9:10 ng gabi ay muling umatake ang grupo at biniktima naman ang isang Noemi Tolentino, 54, ng Masikap St., Brgy. Pinyahan sa lungsod.

Naglalakad din si Tolentino sa may Masikap St., sa lugar nang biglang sumulpot ang motor­siklo ng mga suspek at biglang hinablot ang bag ng una na naglalaman ng isang cellphone, P900 cash, gold bracelet at mga identification cards (IDs). Ang paggamit ng motorsiklo ang bagong modus operandi ng mga snatcher sa lungsod dahil mabilis ang mga itong makakalayo sa lugar.

Matagal nang namamayagpag ang riding in tandem sa Quezon City at tila naging matinik ang mga ito dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin ang mga ito naaresto. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

CHICO ST.

JUDGE JIMENEZ

KAMUNING ROAD

MASIKAP ST.

NOEMI TOLENTINO

QUEZON CITY

RICKY TULIPAT

SONY ERICKSON

VIARY GRACE BUHAIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with