^

Metro

Electrician todas sa kuryente

-

MANILA, Philippines – Hindi umubra ang pagka­bihasa sa kuryente ng isang electrician matapos na ma­sawi ito nang tamaan ng ma­lakas na boltahe ng kuryente habang nagkukumpuni nito sa lungsod Quezon kama­kalawa.

Nalapnos ang buong ka­tawan na naging sanhi ng pag­kamatay ng biktimang si Benjie Venoza, 24, binata, stay-in sa R@E Builders construction na matatagpuan sa Edsa, Balin­tawak sa lungsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, nang­yari ang insidente sa mis­mong tinutuluyan ng bik­tima ganap na alas-6:30 ng gabi.

Kasalukuyang nagkakabit ng kuryente ang biktima sa ilalim ng construction building dito nang biglang masapol ito ng malakas na boltahe.

Ayon sa saksing si Fatty Ocelo, mason sa nasabing kompanya, nakita na lamang niyang nagpipisig ang ka­tawan ng biktima hanggang sa mawalan ito ng malay tao.

Agad namang isinugod sa Quezon City General Hospital ang biktima ngunit idineklara din itong patay.

Patuloy ang imbestigas­yon ng awtoridad sa nasabing insidente. (Ricky Tulipat)


vuukle comment

AYON

BALIN

BENJIE VENOZA

E BUILDERS

EDSA

FATTY OCELO

KASALUKUYANG

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with