Ama na pumatay sa anak timbog

MANILA, Philippines – Dahil sa pagmamala­sakit sa kapwa, inginuso kahapon ng tatlong kapit­bahay ang isang ama na dating overseas Filipino worker (OFW) at ibi­nuking ang ginawang pag­patay ng huli sa kanyang 14-anyos na anak na lalaki, kama­kalawa ng umaga sa Makati City.

Inakala ng suspect na si Ponchito Zamora, 53, na nalusutan na niya ang krimen nang unang mang­hingi pa ito ng tulong sa   tatlo nitong ka­pit­bahay upang isugod sa Ospital ng Makati ang kan­yang 14-an­yos na anak na si Jerem­y Charles na umano’y na­nginginig na inatake sa puso, subalit hindi na ito umabot pa ng buhay sa na­turang pagamutan.

Nabisto lamang ang krimen nang magkaisang mag­tungo kahapon ng umaga sa Station Investigation & De­tective Management Branch (SIDMB) ng Makati City Police sina Manolito Bartolome, ninong ng biktima, Novelita Arcilla at Evelyn Lacio, pawang mga nangungupa­han sa paupahang silid ni Zamora at inilahad ang nasaksihang pananakit ng suspect sa sariling anak dahilan upang masawi ito.

Dahil sa naturang sum­bong ay kaagad namang ipinag-utos ni Chief Insp. Dennis Macalintal, hepe ng SIDMB   na alamin ang re­sulta ng ginawang pag-awtopsiya sa bangkay ng binatilyo kung saan natuk­lasan na “asphyxia by strangulation” o sa sakal namatay ang biktima at hindi sa atake sa puso.

Lumalabas pa sa pag­si­siyasat na   tinaguriang “spe­cial child” ang biktima at may dalawang taon na itong iki­nukulong ng kan­yang ama matapos patigilin sa pag-aaral.

Matapos namang ma­da­kip, agad namang ina­min ni Zamora sa pulisya na nasakal nga niya ang sa­riling anak matapos na luma­ban at tangka umano siyang sak­sakin nito nang magkaroon sila ng pagta­talo.

Sinabi naman ng mga tes­tigo na madalas uma­nong saktan ni Zamora ang kan­yang anak sa tuwing magka­karoon sila ng hindi pagkaka­unawaan kung kaya’t malaki ang kanilang hinala na na­patay ng suspect ang anak nang makita nilang duguan ang bibig ng binatilyo nang hingan sila ng tulong ng huli para dal­hin ito sa pagamutan.

“Kawawa naman ang bata halos araw-araw ay nakakatikim ng gulpi sa kan­yang ama, hindi na nga siya pinag-aaral ay kinuku­long pa sa bahay,” ayon pa sa tatlong testigo.

Samantala,  bukod dito, natuklasan din na inireklamo na rin sa pu­lisya si Zamora ng kan­yang pa­nganay na anak na babae ng pang­hahalay noong taong 2005 subalit iniurong ang kaso at nag­pasiyang lumayas at tumira na lamang sa kamag-ana­kan ng kanyang ina ang 15-anyos  na dala­gitang biktima.


Show comments