^

Metro

Estudyante timbog sa 'baon' na marijuana

-

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 3rd year high school student nang madiskubreng may ‘baon’ na 11 sachet ng pinatuyong marijuana sa kaniyang pagpasok sa eskwela, kahapon ng umaga,  sa Sta. Cruz,  Maynila.

Nai-turn over na sa Manila Police District-Station 3 ang sus­pek na si Eddie Leo Sunga, 18,   at residente ng M. Hizon st., Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat ni P/Supt. Ernesto Tendero Jr., hepe ng MPD-Station 3, dakong alas-10:15 ng umaga kahapon nang maaresto ng nakatalagang security guard na si Lourdes Avillano, ng T. Alonzo HS ang suspek.

Nabatid na hiniram ng sus­pek ang bag ng kanyang ka­klase na si Jay-Ar Tiolengco bago sabay na pumasok sa gate ng pinapasukan nilang pa­aralan. Nang makalagpas na ang suspek at Tiolengco sa ins­peksiyon sa gate ng nasabing sekyu, napansin ng huli na ibi­na­lik ng suspek ang bag kay Tiolengco matapos makuha ang wallet nito sa loob ng na­turang bag.

Dahil sa pagdududang may ipinatago ang suspek ay tina­wag nito at pinabalik sa gate upang usisain ang wallet na kinuha ng suspek kay Tio­lengco. Mariing pumalag ang sus­pek sa inspeksiyon ng wallet kaya lalo umanong nagpursige ang guwardiya na tingnan ang laman ng wallet.

Sa pagbukas ng wallet ay nakita ng sekyu ang 11-piraso ng sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana kaya’t agad itong tumawag sa himpilan ng pulisya upang makasuhan ang suspek.

Umamin umano   ang sus­pek na nagtitinda siya ng mari­juana para kumita at may pam­baon sa kanyang pag-aaral at kinukuha niya umano ang iligal na droga (marijuana) sa isang alyas “Tatay Tato”, na nakatira sa Elias St. Sta Cruz, Maynila. (Ludy Bermudo)

CRUZ

EDDIE LEO SUNGA

ELIAS ST. STA CRUZ

ERNESTO TENDERO JR.

JAY-AR TIOLENGCO

LOURDES AVILLANO

LUDY BERMUDO

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with