^

Metro

Binatilyo binoga, patay

-

MANILA, Philippines - Nauwi sa kamatayan ang dapat sana ay kasiyahan ng isang 17-anyos na binatilyo matapos manalo sa basketball makara­ang pagbabarilin ito ng isang di-nakikilalang lalake sa lungsod Quezon kamakalawa. Nagtamo ng mga tama ng bala sa baba, bagang, kaliwang mata at kaliwang tenga ang biktimang si Jomar Rodri­guez na agad nitong ikinamatay. 

Sa imbestigasyon ni PO2 Joycelyn Marcelo, may hawak ng kaso, lumilitaw na nangyari ang insidente sa may Calma Com­pound, Interior Ipil St., Brgy. Balara sa lungsod, ganap na alas-8 ng gabi. Bago ito, kagagaling lamang sa paglalaro ng basketball ng biktima kasama ang mga kaibigan at nagpapahinga sa lugar nang mangyari ang insidente. Sinasabing patungo sana sa tindahan ang biktima matapos humingi ng P10 sa kanyang kapatid na si Jericho para bumili ng yelo nang biglang harangin ito ng suspek at pagbabarilin sa mukha.

Nang duguang bumagsak sa lupa ang biktima ay agad na tumakas ang suspek, kung saan isinugod naman ng ilang kaibigan ang una sa General Malvar hospital ngunit idineklara din itong patay. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente upang matukoy ang motibo ng nasabing krimen. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

BALARA

BRGY

CALMA COM

GENERAL MALVAR

INTERIOR IPIL ST.

JOMAR RODRI

JOYCELYN MARCELO

NAGTAMO

NANG

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with