^

Metro

Binata pinatay habang natutulog

-

MANILA, Philippines - Tuluyan nang pinatulog nang walang gisingan ang isang 20 anyos na lalake makaraang pasukin ito ng isang nakasuot ng bonnet na salarin at pagsasaksakin ng basag na bote ng alak habang mahimbing na natutulog sa kanilang bahay sa Barangay Bagong Silangan sa lunsod-Quezon kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Archie Flores, binata, at residente sa #620 Road 1, Sitio Kumunoy, Bagong Silangan.

Blangko naman ang mga awtoridad sa pagkaka­kilanlan ng suspek dahil nakasuot ito ng bonnet nang isagawa ang krimen kung kaya naisalarawan lamang ito sa taas na 5’2-5’4, at balingkinitan ang pangangatawan.

Lumilitaw sa ulat ng pulisya na away-fraternity ang ugat ng insidente dahil ang biktima umano ay miyembro ng TBS gang kung saan may kaalitan itong grupo na tinaguriang Kampo Guwapo. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ARCHIE FLORES

BAGONG SILANGAN

BARANGAY BAGONG SILANGAN

BLANGKO

KAMPO GUWAPO

LUMILITAW

QUEZON

RICKY TULIPAT

SITIO KUMUNOY

TULUYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with