Alyas Kabayo itinumba

MANILA, Philippines - Wala pang makitang motibo ang pulisya sa hini­hinalang pag-‘salvage; o palihim na pagpatay sa isang lalaki na kilala sa alyas “Kabayo” sa tambakan ng basura sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Ang biktima ay may edad sa pagitan ng 20-25 anyos, may taas na 5”5, payat at may letra ng Sputnik at A’Agustin Sol” na tattoo sa katawan.

Dakong alas-7:20 ng umaga nang matagpuang patay ang biktima sa loob ng tambakan ng basura ng Leonel Waste Management sa Paleco compound, North Harbor, Tondo.

Sinabi ng isang Danilo Cael, stay-in security guard sa nasabing compound, nag-iinspeksyon siya sa lugar nang makarinig siya ng putok ng baril at nang kanyang puntahan ay bumulaga sa kanya ang duguang biktima. (Ludy Bermudo)

Show comments