Alyas Kabayo itinumba
MANILA, Philippines - Wala pang makitang motibo ang pulisya sa hinihinalang pag-‘salvage; o palihim na pagpatay sa isang lalaki na kilala sa alyas “Kabayo” sa tambakan ng basura sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.
Ang biktima ay may edad sa pagitan ng 20-25 anyos, may taas na 5”5, payat at may letra ng Sputnik at A’Agustin Sol” na tattoo sa katawan.
Dakong alas-7:20 ng umaga nang matagpuang patay ang biktima sa loob ng tambakan ng basura ng Leonel Waste Management sa Paleco compound, North Harbor, Tondo.
Sinabi ng isang Danilo Cael, stay-in security guard sa nasabing compound, nag-iinspeksyon siya sa lugar nang makarinig siya ng putok ng baril at nang kanyang puntahan ay bumulaga sa kanya ang duguang biktima. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending