^

Metro

Tupadahan at fruit games sinalakay

-

MANILA, Philippines - Hindi na nagawa pang makatakas ng may 27 katao na nagsasagawa ng tupada sa Tondo, Maynila nang biglang salakayin ang Pier 2 sa North Harbor, Manila ng mga tauhan ng Task Force CHAPA (City Hall Action and Police Assistance) sa pa­ngu­ nguna ni Sr. Insp Mar­celo Reyes.

Mga talunang manok, panabong na manok at pera na taya sa tupada na nagka­kahalaga ng P15,160 pesos ang nakuha ng grupo ni Reyes kamakalawa ng umaga.

Makaraan ang ilang oras ay sinunod namang sinalakay ni Reyes ang Isla Puting Bato sa Tondo dahil naman sa mga nagkalat na illegal na fruit game na kina­lolokohan ng mga kabataan.

Ito rin ang sinasabing inire­rek­lamo ng mga magu­lang dahil napapaba­yaan na ng mga bata ang kani­lang pag-aaral.

Kasama sa mga sina­lakay ang apat na mga bahay kung saan naka­lagay ang mga illegal na fruit game subalit wala isa man sa mga maintainer ng nasabing fruit game ang naabu­tan ng grupo ng CHAPA at sa tulong ng mga barangay opisyal sa lugar ay nakilala ang mga nagmamay-ari ng bahay at nakatakdang sam­pahan ng kasong P.D.1602.

Matapos makumpiska ang mga fruit game ay isa namang impormasyon ang natanggap ng mga tauhan ng CHAPA tungkol sa mga nagkalat na sex toys, Chinese Viagra at mga smut materials na ibinebenta sa palibot ng Quezon Boulevard.

Mabilis nilang tinungo ang area ng Quiapo at pinagkukumpiska ang mga naabutang paninda na mga bold dvd, 89 na piraso ng Silicon Sex Ring at iba pang mga sex toys na lan­ta­rang ibinebenta sa Raon at sa paligid ng Quezon Blvd. (Doris Franche)

vuukle comment

CHINESE VIAGRA

CITY HALL ACTION AND POLICE ASSISTANCE

DORIS FRANCHE

ISLA PUTING BATO

NORTH HARBOR

QUEZON BLVD

REYES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with