^

Metro

Misis humingi ng pambili ng gatas, binugbog ni mister

-

MANILA, Philippines - Black eye at mga pasa sa katawan ang natamo ng isang misis matapos na pagbubugbugin ng kanyang mister na naburyong nang hingan niya ito ng pambili ng gatas ng kanilang anak habang lango sa alak sa Barangay Obrero sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay kinilalang si Josephine Rivera, 37, residente sa Rolling Road, Obrero.

Personal na nagtungo si Rivera sa Station 10 ng Quezon City Police District para ireklamo ang asawa niyang si Elmer Abalon, 25.

Sinabi ni Josephine na hiningan niya si Elmer ng pambili ng gatas ng kanilang anak pagkauwi nito sa kanilang bahay.

Ngunit, dahil lasing at walang maibigay, nagalit ang suspek lalo na nang sabihan siya ng asawa na “pambili ng alak meron ka, pero pambili ng gatas wala ka,” sanhi upang maburyong ito at bugbugin ang huli.

Sa presinto, nagharap ang mag-asawa at maka­lipas ang isang oras at dahil araw ng mga ama ng taha­nan ay nagpasya ang ginang na patawarin ito ngunit sa puntong hindi na sila mag­sasama pa sa iisang bubong.

“Ang pasya ng ginang, sustentuhan na lang ng lalaki ang kanilang anak, dahil mas magastos ang magsampa ng kaso,” ayon pa sa pulisya. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

BARANGAY OBRERO

ELMER ABALON

JOSEPHINE RIVERA

NGUNIT

OBRERO

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RICKY TULIPAT

RIVERA

ROLLING ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with