^

Metro

Bagong laya binoga

-

MANILA, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang bagong laya ng hindi pa nakikilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Navotas.

Nakilala ang nasawi na si Raul Ramos, 34, ng Governor Pascual, Pitong Gatang, Brgy. Sipac ng lungsod na ito.

Mabilis namang tumakas ang suspect matapos ang isina­gawang krimen. Hindi na nagpabanggit ng pangalan ang police investigator na kasama sa bumagsak, kung saan nagtamo ito ng mga sugat at bukol sa katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:15 ng gabi sa kahabaan ng Duhat St., ng nabanggit na lugar.

Nabatid na kalalaya pa lang ng biktima buhat sa bilangguan at nakipag-inuman ito sa kanyang mga kaibigan nang biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima, na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Natulala ang mga kainuman ng biktima sa insidente at nang malaman ito ng Navotas City Police, kaagad na rumesponde ang mga ito.

Dahil sa dami nang nakikiusyoso sa insidente at sa bigat ng mga ito, bumagsak ang tulay na kanilang kinatatayuan, kung kaya’t nahulog ang bangkay ng biktima maging ang pulis na nag-iimbestiga sa kaso. Tulong-tulong na iniahon ng mga residente sa pamamagitan ng lubid ang pulis na nag-imbestiga at ang bangkay ng biktima. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

DAHIL

DUHAT ST.

GOVERNOR PASCUAL

LORDETH BONILLA

MABILIS

NAVOTAS CITY POLICE

PITONG GATANG

RAUL RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with