^

Metro

P24-M puslit na sibuyas, nasabat

-

Mahigit sa P24 milyong ha­laga ng mga smuggled na si­buyas galing sa China ang na­sabat ng Bureau of Customs (BOC).

Ayon kay Customs Com­mis­sioner Napoleon Morales ang nasabing mga sibuyas ay nasa loob ng labing limang 40-footer containers na dumating kamakailan sa Manila Inter­national Container Port (MICP) Illegal umano ang nasabing shipment dahil walang karam­patang papeles ang consignee nito na nagdala ng mga sibu­yas sa bansa.

Maliban dito, matagal na rin umanong ipinagbabawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng sibuyas dahil apektado nito ang kita ng mga magsasaka at mga nag­be­­benta ng sibuyas dito.

Sinabi ni DA Undersec­retary Jesus Emmanuel Paras na kasamang nag-inspeksyon ng mga kontrabando, pino­protek­tahan lamang nila ang kapaka­nan ng mga magsa­saka.

Hindi naman pinayagan ng DA na mai-auction ang mga nasabing sibuyas para matiyak na hindi na maibebenta ang mga ito sa merkado at sa halip bubulukin na lamang ang mga ito at saka gagamitin na pataba.

Noon lamang nakaraang buwan ng Mayo, nasabat din ng customs ang 111,600 kilos ng sibuyas na naka-consign din sa nasabing kumpanya. (Gemma Amargo Garcia)


AYON

CONTAINER PORT

CUSTOMS COM

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

GEMMA AMARGO GARCIA

JESUS EMMANUEL PARAS

MANILA INTER

NAPOLEON MORALES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with