^

Metro

Dahil sa walang pambayad, Bangkay ng baby, ipinuslit ng ama sa ospital

- Rose Tamayo-Tesoro -

MANILA, Philippines – Dahil sa labis na kahirapan at sa kagustuhang mabigyan ng disenteng libing, ipinuslit ng isang ama mula sa ospital ang bangkay ng kanyang bagong silang na anak dahilan upang arestuhin ang una, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Nakilala ang nadakip na si Rodrigo Palma, taho vendor at residente ng Medicion II-B, Imus, Cavite pasado alas-2 ng madaling-araw habang ito ay naghihintay ng bus na masa­sakyan pauwi sa kanilang tahanan.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Alejandro Cuadra ng Station Investigation and De­tective Section, unang nilala­patan ng lunas ang kanyang anim na araw na sanggol na babae na ipinanganak ng kan­yang asawa sa Philippine General Hospital, Manila dahil sa komplikasyon sa baga.

Makalipas ang tatlong araw, hindi nakayanan ng sanggol ang taglay na karamdaman at binawian ito ng buhay.

Sa medical slip, umabot sa halagang P20,000 ang babaya­ran ni Palma, bukod pa sa P16,000 para sa funeral service na hindi umano makayanang bayaran nito.

Dahil wala namang maiba­bayad sa ospital at malaking halaga para sa serbisyo ng punerarya, isinilid ni Palma ang bangkay ng kanyang anak sa loob ng isang kahon at itinakas palabas ng PGH upang maiuwi sa kanilang bahay sa Cavite.

Nagkataon namang nagpa­patrulya si SPO1 Johniel Es­trada nang inguso ng isang bystander ang suspect na may dalang kahon na naglalaman ng bangkay ng bata.

Habang iniimbestigahan, inamin ng suspect na wala siyang kakayahan upang baya­ran ang gastusin sa ospital pati na ang funeral service kung kaya’t minabuti nitong itakas ang sanggol upang mabigyan ng maayos na libing sa tulong ng kanilang kaibigan at kapit­bahay sa Imus, Cavite.

Bunga naman ng maka­taong kadahilanan, pinahintu­lutan muna ni SPO1 Cuadra na maiuwi ni Palma ang itinakas na anak upang maiburol at mabig­yan ng maayos na libing.


ALEJANDRO CUADRA

BATAY

CAVITE

DAHIL

JOHNIEL ES

PASAY CITY

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

RODRIGO PALMA

SHY

STATION INVESTIGATION AND DE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with