^

Metro

Arraignment ni Mancao iniliban

-

MANILA, Philippines - Ipinagpaliban kahapon ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang pagbasa ng sakdal kay dating police Colonel Cezar Mancao II kaugnay sa kinakaharap nitong double murder case bunsod nang pagdukot at pagpatay sa dating publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito noong Nobyembre 2000 matapos na maghain ang kampo nito.

Ayon kay Mancao, na binigyan ng mahigpit na seguridad ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), hindi pa siya handang maghain ng anu­mang plea kaugnay sa kasong kanyang kinakaharap.

Pinagbigyan naman ni Manila RTC Branch 18 Judge Myra Garcia Fernandez ang mosyon at muling itinakda ang arraignment sa Hunyo 30.

Kaugnay nito, binigyan din ni Fernandez ang Department of Justice (DOJ) ng 10 araw upang tumugon sa ini­haing mosyon ng abogado ng iba pang akusado sa double murder case, na ilipat si Mancao sa Manila City Jail.

Sa mosyon na inihain ni Atty. Dante David, na kumakatawan sa 21 akusado sa kaso na naaresto at nakakulong sa MCJ, kinuwestyon nito ang pananatili ni Mancao sa NBI safehouse dahil dapat umanong sa MCJ din ito manatili tulad ng iba pang akusado sa krimen.

Gayunman, sinabi ng DOJ, sa pamamagitan ni State Prosecutor Hazel Valdez, sa hukuman na hindi maaaring ilipat si Mancao sa MCJ dahil sa banta sa buhay nito. (Doris Franche)

COLONEL CEZAR MANCAO

DANTE DAVID

DEPARTMENT OF JUSTICE

DORIS FRANCHE

EMMANUEL CORBITO

JUDGE MYRA GARCIA FERNANDEZ

MANCAO

MANILA CITY JAIL

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

STATE PROSECUTOR HAZEL VALDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with