Bagong laya, itinumba

MANILA, Philippines - Patay ang isang ex-convict matapos na pagba­barilin ng hindi nakikilalang salarin sa lungsod ng Que­zon kahapon ng umaga. Kinilala ng Barangay Police Security Office (BPSO) ng Payatas ang nasawi na si Lucas Ca­paral, alyas Kumag, 45, at residente sa Phase 2 Mon­dragon Lupang Pangako sa nasabing barangay.   Nangyari ang insidente malapit sa bahay ng bik­tima habang ito ay na­katayo dito ganap na alas- 7 ng umaga. Diumano, bigla na la­mang lumutang sa hara­pan ng biktima ang suspek na armado ng hindi ma­batid na kalibre ng baril at agad na pinaputukan ito ng dalawang beses saka mabilis na tumakas. Kalalaya lamang umano ng biktima sa piitan matapos na ma­kulong dahil sa iba’t ibang kaso. Bukod dito, itinu­turing din umano sa kani­lang barangay na pasaway ang biktima dahil madalas na nasa­sangkot ito sa gulo. (Ricky Tulipat)

Show comments