^

Metro

5 kabataan timbog sa holdap

-

MANILA, Philippines - Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 11 ang isang grupo ng mga bagets na kinabibilangan ng dalawang babae at tatlong lalaki na lumilinya ng pangho­holdap, matapos positibong kilalanin ng mga biktima, sa Binondo, Maynila, kamaka­lawa ng gabi.

Nakatakdang ilipat sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Develop­ment (DSWD) ang mga sus­pek na nasa gulang 15-17 ma­tapos ireklamo ng mga bikti­mang sina Nicasio Jordan, 24; at live-in partner nito na si Jo­ce­lyn Lapuz, 24, ng Binondo.

Sa ulat ni PO3 Antonette Mortel, dakong alas- 9:45 ng gabi nang maganap ang insi­dente sa harapan ng Mini Stop convenience store sa kanto ng Dasmarinas at Quin­tin Paredes Sts., Binondo.

Sa reklamo, sinabi ng da­lawang biktima na habang naglalakad sila ay tinutukan sila ng patalim ng mga suspek na kabataan at pwersahang kinuha ang dalawang cell­phone nila na nagkakahalaga ng P7,000. Nang matangay ay nagsi­takas kaagad ang limang suspek kaya nagtungo sa naka­sasakop na barangay ang mga biktima at doon inilarawan ang despkripsiyon ng mga suspek.

Sa isinagawang follow-up operation nadakip ang mga ka­bataan na tinawag ang grupo nilang “Tropang Bu­waya Gang” para sa linya nilang panghoholdap. Sa ka­bila na menor-de-edad, bur­dado na rin ng tattoo ang mga katawan ng mga ito. (Ludy Bermudo)

ANTONETTE MORTEL

BINONDO

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOP

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MINI STOP

NICASIO JORDAN

PAREDES STS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with