Dump truck nasunog

MANILA, Philippines - Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagkasunog ng isang dump truck sa panulukan ng Katigbak at Bonifacio Streets malapit sa Roxas Boulevard sa Maynila kahapon ng umaga.

Nilamon ng apoy ang dump truck na may plakang TMJ-238 at pag-aari ng Leonel Waste Management habang patungo sa Southbound upang maghakot ng basura.

Mabilis na nakababa ang driver na si Segundo Moises at ang isang hindi nakilalang pahinante nang makitang nasusunog na ang hulihang bahagi ng truck.

Ayon kay FO2 Lord Hernandez, Arson Investigator, posibleng short circuit ang dahilan ng sunog subalit kailangan nilang makunan ng pahayag ang driver at pahinante. (Ludy Bermudo)

Show comments