Barker itinumba

MANILA, Philippines - Pinagsasaksak hang­gang sa mapatay ang 26-anyos na jeepney barker ng dalawang kapwa nito barker kamakalawa ng gabi sa Makati City. 

Patay na nang ma­isugod sa Pasay City General Hospital bunga ng dalawang tama ng saksak sa dibdib at braso si Diego Apita, ng 2394 Belarmino St., Bangkal, Makati. Kapwa naman tumakas ang mga sus­pek na ang isa rito’y kinilala lamang sa panga­lang Alvin. Naganap ang insidente sa footbridge sa panulukan ng Evan­ge­lista at EDSA sa Bangkal. 

Nagtatalo ang biktima at ang mga suspek ka­ugnay sa dinala nilang mga bagahe ng isang pasahero sa RJ Bus Terminal sa Malibay, Pasay City hanggang sa sak­sakin ang biktima. (Rose Tamayo-Tesoro) 

Show comments