Bangkay lumutang

MANILA, Philippines - Naaagnas nang bangkay ang katawan ng 12 anyos na estudyanteng si Carl Erick Abelle ng Sanchez St., Baranngay San Joaquin, Pasig City nang lumutang ito at matagpuan sa isang bahagi ng Marikina River sa may floodway sa Barangay Sta. Lucia sa Pasig kahapon ng madaling-araw.

Naunang napaulat na nalunod si Abelle habang naliligo sa naturang ilog noong Hunyo 9 pero hindi na siya nakita mula noon hanggang sa may makakita sa kanyang labi kahapon. (Danilo Garcia)

Show comments