MANILA, Philippines - Apat na katao na abala sa pakikipag-chat sa internet sa isang computer shop sa Brgy. Longos, Malabon City ang hinoldap at natangayan ng mahahalagang kagamitan ng tatlong armadong suspek kamakalawa ng gabi.
Nawalan ng mga pera, alahas at cellphone ang mga biktimang sina Ronnel Tafallazo, 20; Jessanie Guillen, 23; Kenneth Garcia, 18; at Jessica Bernoy, 22, pawang residente ng Malabon. Sinabi ng pulisya na abala sa pakikipag-chat sa loob ng Debron Net Café sa Brgy. Longos ang mga biktima bandang alas-11:25 ng gabi nang pumasok ang mga suspek na armado ng baril. Tinutukan ng baril ang mga biktima bago pinagkukuha ng mga holdaper ang kanilang mga gamit bago tumakas. (Lordeth Bonilla)