^

Metro

4 na drug suspect iniharap sa media

-

MANILA, Philippines - Iprinisinta kahapon ni Philippine Drug Enforcement Agency Director Dionisio San­tiago ang apat na suspek at isang Chinese national na na­aresto sa pagsalakay ng PDEA sa isang shabu labo­ratory sa Cotabato City.

Kinilala ang mga suspek na sina Norjata Bumbong alyas Mylene Donato, 26- anyos; Samsudin Bumbong, 24-anyos; Sultan Mastura at Francis Kit Alonte ng Tacloban City.

Kasamang nadakip ang Chinese national na si Chin Chan Chou alyas Peter Chou, 45-anyos, ng Xiamen City, China na sinasabing nasa likod ng pagtatayo ng tatlong shabu laboratory sa Metro Manila na una nang nabuwag ng mga awtoridad.

Una rito, nagsanib ang puwersa ng PDEA at ng 603rd brigade at Task Force Tugis ng Philippine Army para salakayin ang shabu labora­tory sa purok Mahigugmaun, Brgy. Mother Rosary Heights, Cota­bato City.

Sinabi ni Santiago na ito ang kauna-unahang shabu laboratory na sinalakay sa lunsod makaraang makum­pirma ang modus operandi ng mga suspek. (Angie dela Cruz)

CHIN CHAN CHOU

COTABATO CITY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY DIRECTOR DIONISIO SAN

FRANCIS KIT ALONTE

METRO MANILA

MOTHER ROSARY HEIGHTS

MYLENE DONATO

NORJATA BUMBONG

PETER CHOU

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with