^

Metro

Malupit na amo inireklamo ng 3 menor-de-edad na maid

-

MANILA, Philippines - Pormal nang kinasuhan ni Manila Social Wel­fare Department Chief Jay dela Fuente ang mag-asawang employer ng mga pinagma­lupitan nilang menor-de-edad na kasambahay sa Maynila.

Kasong paglabag sa Republic Act No. 7610 o Anti-Child Abuse Law ang kina­kaharap ngayon sa Manila Prosecutors Office ng mag-asawang Angelie at Jerry Madrigal ng Madrigal Apart­ment sa #1710 Yakal St. Tondo, Maynila.

Inireklamo sila ng kanilang mga kasam­bahay o katulong na sina Bebeth Gader Marin­tes, Jennelyn Lumbuson at Janet Flores. Ang tatlo ay agad na nailigtas ng MSWD ma­tapos na humingi ng tulong sa kanilang ka­ibigan sa pamamagitan ng sulat na kanilang ibinato sa bintana nang makakuha ng pagka­kataon.

Sa pahayag ng tatlo, pinagbabawalan sila ng mag-asawang makipag-usap sa kahit na sino at maging sa telepono sa kanilang mga kamag-anak at maging ang pagdungaw bin­tana ay ma­higpit na ipinagbabawal.

Kasabay nito, pinaha­hanap din ni Manila Mayor Alfredo Lim ang may-ari ng Welfor Place­ment Agency na nakilalang si Forenda Na­yengyeng na siyang kumu­kuha ng mga papasok na kasambahay mula sa Butuan City at iba pang lalawigan upang magtrabaho sa Maynila.

Lumilitaw na pineke din ng ahensya ang birth certificate ng mga biktima upang maging legal age ang   mga ito.

Pinasailalim naman ni dela Fuente ang mga biktima sa therapist upang malaman ang mga pinagdaanan ng mga ito sa kamay ng mag-asawang Madrigal. (Doris M. Franche)

ANTI-CHILD ABUSE LAW

BEBETH GADER MARIN

CHIEF JAY

DORIS M

FORENDA NA

FUENTE

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with