^

Metro

Mag-asawa tinuluyan ng maid sa pag-o-orgy

-

MANILA, Philippines – Hindi nakuha ng mag-asawa sa pakiusap ang ka­nilang 18-anyos na katulong na umano’y sapilitang isinama sa pag-o-orgy na ginawan pa ng “sex video” matapos itong mag­sampa ng kasong rape sa Ma­nila Pro­secutor’s office (MPO).

Personal na nagsampa ng reklamo si SPO1 Juzemar Fe­leo, ng Manila Police District-Women and Children Concern Division (MPD-WCCD) kung saan tiniyak umano sa kanya ng biktima na itinago sa pa­ngalang Linda na itutuloy niya ang kasong rape laban sa kan­yang employer na si Que­zon Cunanan, 46, at asawa nitong si Melva, 32, kapwa ng F. Cayco St., Sam­paloc, Manila.

Nananatiling nakadetine sa MPD headquarters, ang mag-asawa at patuloy na naninin­digan na walang naganap na rape at hindi nila pinuwersa ang biktima na makipagtalik.

Sa sinumpaang salaysay ni Linda, sinabi nito na nagsimula ang kanyang kalbaryo noong Mayo 18-20 matapos siyang isama ng mag-asawa sa bakas­yon sa kanilang resthouse sa Baliwag, Bulacan.

Sinabi ng biktima na inu­tu­san siya ni Quezon na imasahe si Melva,at pagdating niya sa kuwarto nakita niya na naka­dapa pero nakahubad si Melva, habang si Quezon ay nakatapis lamang ng tuwalya.

Doon na umano siya sinimu­lang molestiyahin ng mag-asawa. Nang sumunod na araw (Mayo 19), inutusan muli siya ng amo na magpunta sa kuwarto, pero pinapaligo muna siya at sinabihan na huwag mag­suot ng anuman kaya pu­masok siya sa kuwarto na naka­tapis lamang ang tuwalya.

“Sabi po ni kuya na nakatapi lang ng tuwalya at si Ate Melva ay naka-bra at panty na lang na “huwag kang maingay at trip lang natin ito,” ayon kay Linda.

Nang makaraos umano sa kanya si Quezon,ay nagsimula na umanong mag sex ang mag-asawa sa harapan niya. May limang beses umanong naulit ang sex trip,bago niya ipina­siyang magreklamo laban sa mag-asawa.

Nabatid din sa MPD-WCCD na hawak na nila ang sex videos ng mag-asawa na nakikipagtalik kay Linda at may iba pang sex video ang mag-asawa kasama ang isang prostitute na umano’y kanilang binayaran. (Doris Franche at Ludy Bermudo)


vuukle comment

ASAWA

ATE MELVA

CAYCO ST.

DORIS FRANCHE

JUZEMAR FE

LUDY BERMUDO

MAG

MELVA

QUEZON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with