^

Metro

7 suspects kakasuhan, kumpirmado: utol ni Rochelle Barrameda ang babaeng sinimento sa drum

-

MANILA, Philippines – Nagwakas na ang misteryo sa mahigit dalawang taong pagkawala ng kapatid na babae ni beauty queen at actress na si Rochelle Barra­meda. Ito’y matapos kumpirmahin kahapon ni PNP-Crime Laboratory (PNP-Crime Lab) Director Chief Supt. Arturo Cacdac, na ang natag­pu­ang babaeng sinimento at isinilid sa drum sa baybayin ng Navotas kamakalawa ay ang nawa­walang kapatid ng aktres.

Sinabi ni Cacdac sa pamamagitan ng isina­gawang pagsusuri ni Sr. Inspector Dindo Herrera, Odonthologist ng PNP-Crime Lab , tumugma ang dental record ni Ruby Rose Barrameda Jimenez, 26, sa dentures ng natagpuang naagnas na bangkay.

Gayunman, ayon kay Cacdac , isasailalim pa rin sa DNA test para sa “confirmatory testing” ang nasabing bangkay para lalong matiyak na ito nga ang nawawalang kapatid ni Barrameda. Ang DNA test ay tatagal ng isang buwan, ayon sa opisyal.

Sa kanyang pagtungo sa Camp Crame, posi­tibong kinilala naman ni Rochelle ang bangkay na kapatid umano niya base sa narekober na hikaw at damit na siyang huling suot ng biktima noong Marso 14, 2007 ng mawala ito kung saan pinaniniwalaang ito ay dinukot.

“Mga wala silang puso, nagawa nila ang karumal-dumal na krimen na ito sa kapatid ko,” umiiyak na sabi ni Rochelle sa panayam ng PNP Press Corps. Kabilang naman sa mga panguna­hing suspect sa krimen ay ang sinasabing asawa ni Ruby Rose na si Manuel Jimenez III at biyenan   na si Manuel Jimenez.

Ayon kay Rochelle ang isa sa dalawang anak ng mag-asawa ay nasaksihan pa umano ang madalas na pambubugbog ni Jimenez III sa ina bago ito nawala na inuntog pa nito sa matigas na semento ang ulo.

Nabatid na gumamit pa ng forklift at iba pang heavy equiptment para mabuksan ang drum at maisakay ito sa truck upang madala at maisailalim sa pagsusuri sa PNP-Crime Lab sa Camp Crame.

Samantala, nakatakda nang sampahan ng kasong murder ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pitong suspect na sangkot sa krimen.

Kinilala ang mga sasampahan ng kaso na sina Atty. Manuel Jimenez II, biyenan ni Ruby Rose, asawa nitong si Manuel Jimenez III, kapatid na si Lope Jimenez , may-ari ng Buena Suerte Jimenez Fishing & Trading Company, Eric Fer­nan­dez, Spike Discalzo, Roberto Ponce alias Abet, Rudy Dela Cruz at ang testigong si Manuel Montero. (Joy Cantos at Lordeth Bonilla)


ARTURO CACDAC

BUENA SUERTE JIMENEZ FISHING

CACDAC

CAMP CRAME

CRIME LAB

JIMENEZ

MANUEL JIMENEZ

RUBY ROSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with