Kelot natagpuang patay

MANILA, Philippines – Isang bangkay ng hindi nakikilalang lalake ang natagpu­ang tadtad ng tama ng saksak sa buong katawan   sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw. Sa ulat ng pulisya, isina­la­rawan ang biktima sa edad na 20-25, 5’3’’-5’4’’ ang taas, baling­kinitan ang pangangatawan, moreno, at nakasuot ng brown short pants.

Ayon sa ulat, ganap na alas- 4 ng mada­ling-araw nang makita ang biktima ni Arnold Nava, barangay police security office (BPSO) ng Brgy. 95, habang duguang nakahandusay sa may kahabaan ng A. Bonifacio Park, sa Brgy. Balingasa sa lungsod.

Ilang mga residente ang nagsabi na isang lalake ang nakita nilang mabilis na tumatakbo papalayo sa lugar, bago nakita ang duguang katawan ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng nasabing biktima at ang may kagagawan ng nasabing pananaksak. (Ricky Tulipat)

Show comments