BelÂmonte 'di tatakbo sa pagka-presidente
MANILA, Philippines – Niliwanag ni Quezon City Mayor Feliciano “SB” Belmonte na wala siyang plano na kumandidato bilang Pangulo ng bansa kahit na lumilitaw ang kanyang pangalan sa listahan ng mga taong nais kumandidatong Pangulo sa 2010.
Sa administration party Lakas Kampi CMD na kaalyado ni Belmonte, lumabas ang pangalan ng Alkalde sa mga tatakbo sa 2010 elections. Sa isang panayam sa isang press conference sa Annabel’s Restaurant sa QC, sinabi ni Belmonte na mas nanaisin niiyang tumakbo ulit bilang Congressman kaysa sa pagiging Pangulo ng bansa.
“Let’s be realistic about that (presidential ambition)—that’s not a realistic expectation on my part. I actually said early on — not that I’m not interested — but that I will not pursue it,” pahayag ni Belmonte.
Mas nanaisin umano niya na bumalik sa Kongreso, pero pinag-iisipan pa umano niya ito nang husto. Malaki rin ang pag- asa ni Belmonte na kung sinuman ang pumalit sa kanya bilang ama ng lungsod ay ipagpapatuloy nito ang kanyang magandang nasimulan sa QC.
“I’m very confident that whoever wins will build on what I did, the same way that I built on what my predecessors did,” dagdag ni Belmonte
Si Belmonte ay nagwaging Congresman sa ika-apat na distrito ng QC sa loob ng tatlong termino bago naging Alkalde sa lungsod.
Nang maging Alklade ng QC mula 2004 hanggang sa kasalukuyan, napaganda niya ang lungsod at kinikilalang richest city sa buong bansa. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending