^

Metro

Babaeng sinimento sa drum, hinihinalang ang nawawalang utol ni Rochelle Barrameda

-

MANILA, Philippines – Masusing sinisiyasat ng pulisya kung ang nawawalang kapatid ni beauty queen/actress Rochelle Barrameda ang babaeng sinimento sa loob ng isang drum at saka iti­napon sa seawaters sa Navo­tas at natagpuan kahapon sa Navotas. 

Ayon kay National Capital Region Police Office chief, Supt. Roberto Rosales, ang bangkay ng nasabing babae ay isinilid sa drum at sini­mento para ’di matag­puan at manga­moy ang bangkay nito.

Aniya, ilang oras din binak­las ng pulisya ang naturang drum para makuha ang na­sabing babae na inaalam kung ito ang matagal ng na­wa­walang kapatid ni Barra­meda na si Ruby Jimenez, 26, kaya naman agad itong pina­tawag para kilalanin ang bangkay.

Sinabi ni Rosales na tinuro sa pulisya ng isang im­por­mante ang kinaroroonan ng bangkay sa dagat ng Na­vo­tas, kaya agad na nagsa­gawa ng dalawang linggong pagha­hanap ang pulisya sa pa­ngu­nguna ni Supt. Leo Fran­cisco ng Regional Police Intel­ligence and Operation Unit.

Sinasabing isa sa mga suspect ang sumuko na sa pulisya at inihayag ang kan­yang partisipasyon sa krimen.

Gumamit pa aniya ang pulisya ng forklift at iba pang heavy equipments para ma­buk­san ang drum at maisakay ito sa truck upang madala sa Camp Crame at maisailalim sa pagsusuri ng Crime Labo­ratory ng Philippine National Police.

Magugunita na nawala si Jimenez noong Marso 2007 at huling nakitang sakay ng kanyang Mitsubishi Gallant sa kanilang bahay sa Moon­walk Village, Las Piñas City pa­tu­ngo umano sa isang bangko. (Non Alquitran)

CAMP CRAME

CRIME LABO

LAS PI

LEO FRAN

MITSUBISHI GALLANT

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NON ALQUITRAN

OPERATION UNIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with