^

Metro

Banko hinoldap: 1 sugatan

-

MANILA, Philippines – Hinoldap ng pitong armadong kalalakihan ang isang sangay ng Union Bank sa Makati City ka­hapon ng hapon kung saan isang bystander ang nasu­ gatan matapos ta­maan ng ligaw na bala habang hinahabol ng mga pulis ang grupo ng mga suspect.

Pinaulanan pa ng bala ng mga suspek ang mga pulis na nagpapatrulya sa kahabaan ng Pasay Road habang papatakas ang mga ito hanggang sa tina­maan ng ligaw na bala ang biktimang si Gerald Flo­rentino.

Sa sketchy report na natanggap ni Chief Insp. Bernard Manera, hepe ng Investigation & Detective Management Branch ng Makati Police, nabatid na apat sa mga suspect ay pawang naka-camouflage at may bitbit ng matataas na kalibre ng baril ang pu­wersahang pumasok sa Union Bank na mata­tag­puan sa kaha­ baan ng Amor­solo St., Legazpi Village, ng na­banggit na siyu­dad dakong ala-1:50 ng hapon.

Agad na dinisarmahan ng mga ito ang nag-iisang guwardiya at nagdeklara ng holdap, habang nag­silbi namang look-out ang tatlo pa nilang kasama.

Nakunan naman ng close circuit television (CCTV) sa loob ng banko ang ginawang panghohol­dap ng mga suspek kung saan mabilis na natangay ng mga ito ang pera sa mga teller ng naturang banko bago mabilis na nagsitakas sakay ng isang kulay puting Toyota Hi Ace van (XDD-249) na patungo ng EDSA.

Tiyempo namang nag­papatrulya ang isang mobile car ng Makati City Police sa daraanan ng mga holdaper kaya’t ni­ratrat kaagad nila ang mga pulis na masuwerteng hindi tinamaan.

Bukod sa mobile car, tinamaan din ng ligaw na bala ang dalawa pang nakaparadang sasakyan at si Florentino ay kaagad na isinugod sa pinaka­malapit na pagamutan.

Hindi ba mabatid kung magkanong halaga ang natanggay ng mga suspect. (Lordeth Bonilla)


vuukle comment

BERNARD MANERA

DETECTIVE MANAGEMENT BRANCH

GERALD FLO

LEGAZPI VILLAGE

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

SHY

UNION BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with