^

Metro

Trader itinumba sa Divisoria

-

MANILA, Philippines – Pitong tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang 26-anyos na lalaking dealer ng gulay sa mga sidewalk vendors ng night market sa Divisoria, kahapon ng madaling-araw, sa bahagi ng Binondo, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si   Glenn Maranan, ng Brgy. Bunggo, Calamba City, Laguna  na naisugod pa sa Mary Johnston Hospital subalit agad ding binawian ng buhay.

Hinihinalang isang hired killer ang suspek na inilara­wan sa taas na 5’8’’–5’10’’, nakasuot ng pulang long sleeve na may patong na polo shirt, naka-bull cap at naka­suot umano ng surgical mask at armado ng kalibre 45.

Dakong-12:10 ng madaling-araw nang maganap ang pama­maril sa harapan ng Fiesta Shopping Mall sa may panulukan ng CM Recto Ave., at Juan Luna St., Binondo.

Nabatid na nagsisimula pa lamang mangolekta ng bayad ang biktima kasama ang isang Mauro Suelto, sa mga vendor na binabangsakan nito ng gulay nang lapitan ng suspek at malapitang binaril ng ilang ulit sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima sa kabila na maraming tao sa paligid. (Ludy Bermudo)


BINONDO

CALAMBA CITY

FIESTA SHOPPING MALL

GLENN MARANAN

JUAN LUNA ST.

LUDY BERMUDO

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MAURO SUELTO

RECTO AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with