Maid tinutugis
MANILA, Philippines - Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang isang 29 anyos na katulong na tumakas makaraang nakawan niya ang kanyang amo ng P100,000 halaga ng salapi at cellphon sa Sampaloc, Manila kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng Manila Police District ang suspek na si Aileen Col lantes, may asawa, ng Bagbag, Novaliches, Quezon City. Naghain ng reklamo ang kanyang amo na si Mercedes Gomez, 31, dalaga ng 1430 Craig St., Sampaloc.
Sinabi ni Gomez na bandang alas-10:00 ng gabi nang mapansin niyang nawawala si Collantes at ang kanyang pera at dalawang cellphone sa loob ng kanyang bahay.
Nagsasagawa ng follow up investigation ang pulisya sa kinaroroonan ng suspek upang magbigay paliwanag sa akusasyon ng biktima at kung matutukoy na ito ang nagnakaw. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending