^

Metro

Illegal terminals sa Manila binalaan

-

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan kamakailan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang mga may-ari at driver ng mga pampasaherong jeepney, FX at tricycle na bawal magtayo ng kanilang terminal sa alin mang mataong lugar sa lunsod na maka­kasagabal sa daloy ng trapiko.

Sinabi ni Lim na inatasan na rin niya si Chief of Staff Ric de Guzman, ang Manila Traffic and Parking Bureau at Manila Police District at maging mga barangay chairman na tanggalin ang mga iligal terminal sa kani-kanilang mga nasasa­kupan.

Ilan sa mga pinatutukan ni Lim ay ang Das­ma­riñas at Blu­mentritt na pinamumugaran na umano ng mga pampa­saherong jeep at mga tricycle.

Gayundin ang mga terminal ng mga FX sa Lawton. Ayon naman kay de Guzman, sakayan at babaan lamang ng mga pasa­hero ang kanilang pinapayagan. (Doris Franche)

AYON

CHIEF OF STAFF RIC

GUZMAN

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA TRAFFIC

PARKING BUREAU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with