^

Metro

5 todas sa C5 road

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Limang tao ang na­matay nang masaga­saan sila ng isang kot­seng Honda CRV na nawalan ng preno ha­bang tuma­tawid ang mga biktima sa C5 Road sa Parañaque City ka­hapon ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina John Christian Alde, 10 anyos; kapatid na si John Lloyd, 11; pinsang si Joemari Bravo, 10; lolang si Nenita Lopez, 61; at ang pasahero ng CRV na si Justine Kaye Abiog, 16.

Nasa malubha na­mang kalagayan at gina­gamot sa Olivarez Hospital ang ina ni Abiog na si Maria Victoria, 40, na nagma­maneho ng kulay maroon na CRV na may plakang ZAZ-852 at ang pinsan ng magkakapatid na si Jerico Devine Flor, walong taong gulang, na dinala sa Las Pinas District Hospital.

Batay sa imbestigas­yon ng pulisya, nang­yari ang malagim na insi­­dente sa north bound lane ng C5 Road dakong alas-2:00 ng hapon ha­bang patawid ang mga biktima mula sa pag-ani ng mga itinitindang gulay sa palengke.

Galing umano sa Las Pinas City at patungo ng Parañaque ang kotse nang gitgitin sila ng isang hindi nabanggit na sa­sakyan kaya tuluyang nawalan ng kontrol at sumampa sa center island ng lansangan bago inararo ang mga tuma­tawid na biktima.

Nakaligtas naman sa kamatayan ang ina ng magkakapatid na Alde na si Janely Lopez Alda nang mauna siyang ma­katawid at naiwan sa gitna ng lansangan ang mga biktima.

vuukle comment

JANELY LOPEZ ALDA

JERICO DEVINE FLOR

JOEMARI BRAVO

JOHN CHRISTIAN ALDE

JOHN LLOYD

JUSTINE KAYE ABIOG

LAS PINAS CITY

LAS PINAS DISTRICT HOSPITAL

MARIA VICTORIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with