^

Metro

Precinct commander sinampolan ni Pagdilao

-

MANILA, Philippines – Dahil sa hindi makontrol na paglaganap ng kriminalidad sa kanyang jurisdiction, isang police community precinct commander ang sinibak kahapon sa Malabon City. Sa ulat na ipinadala kay Northern Police District Director Chief Supt. Samuel Pagdilao Jr. mula kay Malabon Chief of Police Senior Supt. Roberto Villanueva, ang tinanggal bilang PCP commander ng PCP-3 ay si Insp. Redentor Tabo na may sakop sa Brgy. Longos at Tonsuya ng lungsod na ito. Nakasaad sa ulat hindi umano na­sugpo ni Tabo ang mga naga­ganap na frat war at barilan sa kanyang nasasakupan.

Ayon kay Pagdilao, matagal na niyang binalaan ang mga PCP commander sa pamamagitan ng kani-kanilang chief of police na kailangan pagbutihin nila ang kanilang tungkulin upang mahinto o mabawasan man lamang ang kriminalidad sa kanilang area of responsibility at kung sila ay mabibigo ay nararapat lamang na sila ay palitan. (Lordeth Bonilla)


AYON

BRGY

DAHIL

LORDETH BONILLA

MALABON CHIEF OF POLICE SENIOR

MALABON CITY

NORTHERN POLICE DISTRICT DIRECTOR CHIEF SUPT

PAGDILAO JR.

REDENTOR TABO

ROBERTO VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with