Nanloob sa PNR,dedo sa kuryente

MANILA, Philippines – Isang hindi pa nakikilalang lalaki, na pinani­niwalaang magnanakaw ang nasawi matapos makuryente sa main panel board sa loob ng PNR compound sa Caloocan City kahapon.

Patay na nang makita ang biktima na nakasuot ng asul na t-shirt at maong na pan­talon.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Carlos Almario, alas-2 ng hapon, binuksan ng empleyadong si Ever Delfin, 27, ang main gate panel board distri­bution power sa Faundry Building sa PNR com­pound. Ilang sandali pa ay nakita naman nito ang nakahandusay na biktima at may pala­tandaan na nakuryente ito.

Ayon kay Alexander Guevarra, supervisor ng PNR, hindi nila empleyado ang biktima kung saan may hinala na pumasok ito upang mag­nakaw sa nasabing compound. (Lordeth Bonilla)


Show comments