^

Metro

Biyahe nadiskaril uli, MRT umapoy

-

MANILA, Philippines – Nabalot ng tensyon ang pag­biyahe ng daang pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) ma­tapos na umusok at bahagyang mag-apoy ang isang bahagi ng coaches nito habang bumi­biyahe sa kalagitnaan ng Ka­muning Station at Cubao Station sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Sa takot ng mga pasahero nagmadaling magsipaglabasan ang mga ito sa tren nang tumirik sa kalagitnaan ng nasabing mga istasyon at nagmama­da­ling binaybay na lamang ang gilid sa kahabaan ng riles.

Dahil sa panakbuhan at pag­mamabilisang pagbaba ng tren ay muntikan na ring mag­karoon ng stampede.

Agad namang rumesponde ang mga pamatay-sunog buhat sa Bureau of Fire Protection ng Quezon City at kasama ang ilang empleyado ng MRT ay si­ni­mulang tirahin ng fire ex­tinguiser ang pinagmulan ng usok.

Nang mapawi ang usok, makikita ang mga nagkalat ng mga kagamitan ng mga pasa­hero sa loob ng tren na naiwan dahil sa pagmamadaling maka­labas dahil sa takot.

Daang pasahero din na sumasakay galing Taft Avenue pa­tu­ngong North ang na-estranded sa loob ng isang oras.

Ayon sa pamunuan ng BFP, may posibilidad na ang pagka­basa ng koneksyon ng kuryente sa ilalim ng coaches ang sanhi ng pag-usok ng nasabing tren bunga ng pag-ulan.

Naniniwala naman ang ilang mga pasahero na ang pinairal na 24/7 o magdamagang bi­yahe ng pamunuan ng MRT ang sanhi upang magkaroon ng aberya ang bawat tren nito.

“Kasi simula ng magdamag silang bumibiyahe, madalas na silang nasisiraan kung minsan dalawang beses sa isang araw dahil may power failure daw,” ayon sa ilang pasahero ng MRT.

Ayon sa ulat, alas-9 ng umaga nang mangyari ang in­sidente matapos na mag­sakay ng ilang pasahero ang coaches 064-A sa North Avenue Station, Quezon Avenue Station at Kamuning Station patungong Cubao Station kung saan sa kalagitnaan nito ay nagsimula itong umusok.

Patuloy ang imbestigasyon ng pamunuan ng MRT station at BFP upang matukoy ang tunay na sanhi ng nasabing insidente. (Ricky Tulipat)


AYON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CUBAO STATION

KAMUNING STATION

METRO RAIL TRANSIT

NORTH AVENUE STATION

QUEZON AVENUE STATION

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with