^

Metro

5-anyos patay sa gumuhong pader

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines – Isang 5-anyos na batang babae ang nasawi matapos itong madaganan at ma-trap mula sa isang gumuhong pader sa lungsod ng Parañaque kamakalawa ng gabi.

Ayon kay P03 Angelito Lacaneta, ng Police Community Precinct (PCP) 3, Parañaque City Police, kinilala ang biktima na hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa South Super­highway Medical Center ay kinilalang si Rosemarie Saligumba, ng squatters area, Ever­lasting Compound, Brgy. Marcelo sanhi ng grabeng pinsala sa katawan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi sa na­banggit na lugar nang gumuho ang isang pader na nasa jurisdiction ng homeowners ng Annex 31, dahil na rin sa patuloy na pag-ulan at malakas ang hangin. Sinasabing hindi rin ga­anong ma­tibay ang pagkakatayo nito dahilan upang itoy tuluyang gumuho at mabagsakan ang dalawang kabahayan. Isa ay ang tinitirhan ng biktima.

Nakaligtas ang mga kaanak ng bata matapos na makalabas agad ang mga ito sa loob ng kanilang bahay pero na-trap na ang bata. Hanggang sa kasalukuyan ay iniimbesti­gahan pa ang nasabing insidente.


vuukle comment

ANGELITO LACANETA

AYON

BRGY

CITY POLICE

HANGGANG

ISA

MEDICAL CENTER

POLICE COMMUNITY PRECINCT

ROSEMARIE SALIGUMBA

SOUTH SUPER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with