^

Metro

Binata iniwan ng nobya, naglason

-

MANILA, Philippines - Matapos iwan ng kasintahan, minabuti ng isang 18-anyos na binata na magpatiwakal matapos itong lumagok ng isang bote ng silver cleansing solution kahapon sa Caloocan City.

Patay na nang idating sa Manila Central University (MCU)   si Aldrin Bentran, residente ng   10th Avenue, ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng hapon nang makatang­gap ng tawag ang pulisya mula MCU na isang binata ang isinugod sa nasabing ospital na hinihinalang nagpakamatay.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Jasmin, 20, bago umano ma­­ganap ang insidente ay napapansin na ng kanilang ina na naging matamlay si Aldrin buhat ng ito’y iwan ng kanyang kasintahan.

“Bago ang paglalason ni Aldrin ay napapansin na ng aming ina na naging malungkutin siya mula nang mag-break sila ng kanyang girlfriend,” ani Jasmin.

Samantala, nailigtas naman sa tiyak na kamatayan ang isang 30-anyos na lalake nang matuklasan itong nakabitin sa kisame ng kanyang kapatid matapos magtangkang magpakamatay kahapon ng madaling araw sa lungsod ng Quezon. Ngunit dala ng sugat na nilikha ng nylon cord sa kanyang leeg, patuloy na ino­obserbahan sa Quezon City General Hospital si Michael Jamante ng Bayanihan St. , Brgy. Baesa, Novaliches sa lungsod.

Ayon kay Carlo, kapatid ng biktima, wala silang alam kung ano ang dahilan ng tangkang pagpapakamatay ng kapatid dahil hindi naman umano ito nagsasabi ng problema sa kanila.

Sinasabing ganap na alas-2 ng madaling-araw nang matuk­lasan ni Carlo ang kapatid habang nakabitin sa sala ng kanyang bahay. Mabilis na tinanggal ni Carlo mula sa pagkakabitin ang kapatid at isinugod sa nasabing ospital kung saan agad namang nabigyan ng paunang lunas at ngayon ay inoobserbahan. (Lordeth Bonilla at Ricky Tulipat)

ALDRIN BENTRAN

AYON

BAYANIHAN ST.

CALOOCAN CITY

LORDETH BONILLA

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

MICHAEL JAMANTE

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with