^

Metro

Matitigas ang ulo na mediamen, iposas - Verzosa

-

MANILA, Philippines – Iposas! Ito ang sinabi kahapon ni PNP chief Director General Jesus Verzosa na umanoy ka­bilang sa ikinokonsidera nilang hakbang ng pulisya laban sa mga matitigas ang ulong mga mediamen na magpu­pumilit sumama sa mga delikadong operas­yon partikular na laban sa mga organi­sadong sindi­katong kriminal.

“Iposas para huwag ng sumama, baka ika­matay pa nila,” ani Verzosa na aminadong sa kasa­lu­kuyan ay wala namang protocol na sinu­sunod kung dapat bang magsama ng mga media­men sa mga sensi­tibong operasyon.

Kumambyo naman si Ver­zosa sa pagsa­sabing kung ang pagpoposas sa mediamen ang makapagliligtas sa buhay ng makukulit na reporter, photo­grapher at cameramen ay handa nila itong gawin.

Inihalimbawa ng PNP Chief ang kontrobersyal na Manila Peninsula siege kung saan na­pilitan ang mga pulis na posa­san ang mga reporter na tu­mang­ging lumabas sa nasabing hotel matapos itong kubkubin ng nag-alsang grupo ng Mag­dalo Group sa Makati City noong Nobyembre 29, 2007.

Nilinaw naman ni Verzosa na bago isagawa ang anumang hakbang ay kailangan muna ng konsultasyon at diyalogo sa pagitan ng mga organisasyon ng mediamen saka ng mga opisyal ng PNP. Ginawa ni Verzosa ang pahayag ka­ugnay naman ng aksidenteng pag­ka­­ka­patay kamaka­lawa sa photojournalist na si Jojo Tra­jano at si PO2 Virgilio dela Cruz sa isinagawang anti-drug ope­rations ng Taytay Police sa Brgy. Lupang Arienda, Taytay, Rizal kamakalawa ng mada­ling-araw.

Samantalang rerebisahin rin ng PNP ang pagsasama ng mga mediamen sa mga police operations upang tiyakin na hindi ang mga ito mapa­paha­mak at makakadagdag proble­ma pa sa pulisya. (Joy Cantos)


DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

IPOSAS

JOJO TRA

JOY CANTOS

LUPANG ARIENDA

MAKATI CITY

MANILA PENINSULA

SHY

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with