^

Metro

Bus nagliyab sa SLEX

-

MANILA, Philippines - Sa kabila ng magdama­ gang pag-ulan, nagawa pa ring ma­tupok ng apoy ang isang pam­pa­saherong bus na kinalu­lulanan ng 17-pasahero habang ito ay tu­matakbo, kahapon ng umaga sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX) sa Taguig City.

Batay sa ulat, dakong alas-7:10 ng umaga nang biglang lumiyab ang makina ng BCB Transit bus na may plakang PYB-814 pagsapit nito sa Bicu­tan Exit patungong Alabang kung kaya’t ipinasya ng driver na si Allan Villadito na ihimpil ang sasakyan sa kalsada para agad na pababain ang mga pasahero nito.

Dahil dito, nataranta at nag­kanya-kanya namang talunan ang mga pasahero pati na ang konduktor na si Bernie Cielos nang lumaki na nang husto ang apoy hanggang sa tuluyang matupok ang nasabing bus. Nag­dulot naman ang natu­rang senaryo ng halos apat na oras ng sobrang pagsikip ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng SLEX.

Sa pagsisiyasat naman ni Roberto Gonzales, traffic inves­tigator ng SLEX Highway Patrol Group, posibleng may dumikit na live wire sa makina ng sasakyan na naging dahilan ng mabilis na pagsiklab ng apoy at ikinatupok ng naturang sasak­yan. (Rose Tamayo-Tesoro)

ALABANG

ALLAN VILLADITO

BATAY

BERNIE CIELOS

HIGHWAY PATROL GROUP

ROBERTO GONZALES

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with