^

Metro

2 Koreanong kidnaper timbog

-

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga tauhan ng PNP- Criminal Investigation and Detection Group-National Ca­pital Region ang dalawang Korean national na sangkot sa pagdukot at brutal na pagpatay sa kanilang kababayan noong Mayo 24 sa entrapment ope­rations sa isang luxury restau­rant sa Pasay City, Manila.

Kinilala ni PNP Chief Direc­tor Gen. Jesus Verzosa at ng iba pang mga opisyal ang mga suspect na sina Taeh KU Ha, alyas James Ha at Yong Hoon Lee, alyas Steve Lee.

Ang mga suspect ang itinu­turong responsable sa pag­dukot at pagpatay sa kasama­han ng mga itong Koreano na si Sang Kyung Chang.

Base sa imbestigasyon,   ang mga suspect ay siyang su­mundo sa biktima sa pagdating nito sa bansa noong Mayo 24 sa NAIA sa Parañaque City gamit ang isang kotseng Honda Civic at isa pang sasakyan.

Binanggit pa na puwersa­hang kinuha ng mga suspect sa biktima ang P50,000 at $ 8,000.

Samantalang habang daan ay pinagsasaksak rin sa dibdib si Chang ng Pinoy na kasabwat ng dalawang Koreano na tinu­koy lamang sa pangalang Bobby.

Ang bangkay ni Chang ay itinapon ng mga suspect sa bayan ng Cainta , Rizal nitong nakalipas na linggo.

Ang pagkawala ni Chang ay inireport sa mga awtoridad ng kapatid nitong si San Tae Chang noong Mayo 29.

Sa kabila naman umano ng pagkakapatay sa biktima ay nagawa pang kumontak ng mga suspect sa pamilya Chang at humingi ng P 2 M ransom na naibaba sa P 1 M kung saan ay itinakda ang payoff sa isang di tinukoy na luxury Biwon Res­taurant sa Pasay City, Manila kamakalawa na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspect.

Lumilitaw naman ayon kay Verzosa na ang mga suspect ay sangkot rin sa maraming kaso ng estafa/swindling sa Korea kung saan si Ha ayon na rin sa pamahalaan ng Korea ay itinu­turing na top 6 wanted sa kanilang bansa.

Nabatid pa sa ulat na ang mga suspect ay madalas mag­babad sa mga casino at ang target biktimahin ay mga kapwa nila Korean nationals lalo na ang mga negosyante.

Patuloy naman ang imbesti­gasyon ng mga awtoridad laban sa mga naarestong suspect upang matukoy at maaresto kung sinu-sino ang mga ka­sabwat ng mga ito sa sindikato. (Joy Cantos at Rose Tamayo-Tesoro)

BIWON RES

CHIEF DIREC

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP-NATIONAL CA

HONDA CIVIC

JAMES HA

PASAY CITY

SHY

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with