^

Metro

Lugi kasi, magdamagang biyahe ng MRT, inihinto

-

MANILA, Philippines - Simula kagabi wala na ang magdamagang bi­yahe ang MRT line sa ka­ha­baan ng Edsa mula Pasay pun­tang North Avenue Quezon City dahil lugi sila sa 24/7 operations.

Ayon kay Lysa Blancaflor, spokesperson ng Metro Star , noong Lunes at Martes lamang ng gabi hanggang madaling araw naipatupad ang operas­yon ng 24/7 operations dahil sa mas malaki ang kanilang gas­tos dito kaysa sa kita sa mag­damagang operasyon.

Sinabi ni Blancaflor, umabot lamang sa P134,000 ang kinita ng MRT sa ipinatupad na ex­tended hours gayung umaabot naman sa P289,000 ang gas­tos nila sa kuryente dito bukod pa sa bayarin para sa 26 na security staff, 24 na tellers at 13 supervisor. Hindi rin anya ma­isagawa ang maintenance work sa mga tren dahilan sa mag­ damagang operasyon ng MRT.

Noong Lunes at Martes na­ipatupad ang experimental 24/7 operations ng MRT upang ma­serbisyuhan ang mga mang­gagawa na pumapasok sa dis-oras ng gabi tulad ng mga nasa call centers. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AYON

BLANCAFLOR

CRUZ

LYSA BLANCAFLOR

METRO STAR

NOONG LUNES

NORTH AVENUE QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with