Konduktor namatay sa sama ng loob
MANILA, Philippines – Isang konduktor ng bus ang hininalang namatay sa sama ng loob makaraang matanggal sa trabaho sa Pasay City kamakalawa ng gabi.
Malamig na bangkay na nang matagpuan sa loob ng Goldline Transit Terminal sa 212 EDSA Extension, E. Rodriguez St., Pasay ang biktimang si Quezon Egama, 48, at stay-in sa nasabing bus terminal.
Nabatid na, bago ang insidente, tinanggal sa kanyang trabaho ang biktima bilang konduktor ng bus sa naturang kompanya dahil sa karamdaman niyang hika.
Nagpupumilit pa umano ang biktima at nagmamakaawa sa kanyang amo na makabalik siya sa kanyang trabaho at patuloy itong manatili sa loob ng istasyon ng bus.
May ilang araw nang nawalan ng trabaho ang biktima na labis nitong ikinasama ng loob hanggang sa matagpuan na lamang ang bangkay nito na hanggang sa huling sandali ay nanatili sa loob ng bus terminal.
- Latest
- Trending