Bangkay lumutang sa estero

MANILA, Philippines - Isa nang malamig na bang­kay nang lumutang ang isang tindero sa isang estero makaraang madulas at ma­bagok ang ulo sa semento kahapon ng umaga sa Ma­rikina City.

Nakilala ang biktima na si Roberto Villanueva, 46, at naninirahan sa Mustasa street, Brgy. Tumana, ng lung­sod na ito.

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives, nagtamo ang biktima ng isang malaking sugat sa ulo na posible umanong tanda ng pagkakabagok nito sa semento. 

May teorya ang mga oto­ridad na posibleng nadulas sa ibang bahagi ng naturang estero ang biktima, tumama ang ulo sa semento sanhi ng pakawalang-malay nito hang­gang sa tuluyang malu­nod sa tumaas na tubig ng naturang estero dulot ng malakas na pag-ulan kaha­pon. (Danilo Garcia)

Show comments